NARS, ARESTADO SA PAG-KIDNAP SA ISANG BATANG BABAE SA LOOB NG ISANG BUWAN

Noong Enero 4, si Yu Ito, 31, ay sumakay umano ng tren upang dalhin ang batang babae, 14, mula sa Nagoya papunta sa kanyang tirahan. Pagkatapos ay itinago niya ang bata doon hanggang Pebrero 1 habang alam na ito ay menor de edad.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

NARA – Ang Nara Prefectural Police maaga nitong buwan ay inaresto ang isang nars dahil sa diumano’y pag-kidnap sa isang middle school na batang babae at ikinulong ito sa kanyang tirahan sa Lungsod ng Nara, ulat ng Mainichi Shimbun (Pebrero 3).

Noong Enero 4, si Yu Ito, 31, ay sumakay umano ng tren upang dalhin ang batang babae, 14, mula sa Nagoya papunta sa kanyang tirahan. Pagkatapos ay itinago niya ang bata doon hanggang Pebrero 1 habang alam na ito ay menor de edad.

Ang batang babae ay hindi nasaktan sa insidente, sinabi ng Nara Police Station.

“Balak kong dalhin siya sa aking tirahan at nais kong ipakita sa kanya na maaari siyang umasa sa akin,” sinabi ng suspek sa pag-amin sa mga paratang.

Ang batang babae ay nakatira sa Prepektura ng Aichi.Nakilala niya ang suspect sa pamamagitan ng dating app.

Noong Pebrero 1, isang kasamahan ni Ito ang nakipag-ugnayan sa kapulisan. “Ang isang empleyado ay tila naninirahan kasama ang isang batang babaeng menor de edad,” sabi ng kasamahan. Pagkatapos ay binisita ng mga opisyal ang tirahan kungsaan natagpuan ang batang babae.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund