NAG-BIBIGAY ANG GOBYERNO NG JAPAN AY NAGBI-BIBIGAY NG $9.45 GIFT CERTICATE SA MGA RESIDENTENG NAKATANGGAP NG BAKUNA

Ang bawat tao na binigyan ng vaccine shot ay makakatanggap ng isang "Gift Certificate" na nagkakahalaga ng ¥1,000 yen, na inisyu ng chamber of commerce ng bayan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspNAG-BIBIGAY ANG GOBYERNO NG JAPAN AY NAGBI-BIBIGAY NG $9.45 GIFT CERTICATE SA MGA RESIDENTENG NAKATANGGAP NG BAKUNA

MIYASHIRO, Saitama – Ipinahayag ng silangang bayan ng Japan sa hilaga ng Tokyo na magbibigay ito ng Gift Certificates na nagkakhalaga ng ¥1,000 o halos $9.45 sa mga residenteng tatanggap ng bakuna.

Ang Pamahalaang Lungsod ng Miyashiro ay nagtalaga ng halos ¥60 milyong yen (humigit-kumulang na $ 570,000) para sa scheme sa fiscal budget bill ng 2021.

Ayon sa health care division ng lungsod, humigit-kumulang 30,000 katao sa bayan na may edad 16 pataas ang karapat-dapat makatanggap ng mga bakuna. Ang bawat tao na binigyan ng vaccine shot ay makakatanggap ng isang “Gift Certificate” na nagkakahalaga ng ¥1,000 yen, na inisyu ng chamber of commerce ng bayan. Maaaring magamit ang gift certificate sa maliliit na negosyo sa bayan. Dahil ang mga tatanggap ng bakunang gawa at mula sa Estados Unidos na Pfizer ay makakatanggap ng dalawang doses, kung kaya’t ang bawat indibiduwal ay makakatanggap ng ¥2000 sa kabuuan.

Isinasaalang-alang ng municipal government na ibigay ang mga gift certificates sa mga residente sa mga vaccination sites habang nagpapahinga sila sa group vaccination. Sinabi ng isang opisyal ng gobyerno, “Ipapatupad namin ang scheme na ito bilang isang proyekto na natatangi sa bayang ito, upang itaas ang vaccination rate at buhayin ang lokal na ekonomiya.”

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund