MGA ISINISILANG NA SANGGOL SA JAPAN, BUMAGSAK SA TALAAN NA MAS MABABA KAYSA NOONG 2020

Sinabi pa ng Ministry of Health, Labor and Welfare na ang coronavirus pandemic ay maaaring nakaapekto sa mga trend ng demograpiko, ngunit hindi pa ito nakakagawa ng isang kongkretong pagpapasiya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Makikita sa larauan na ang bagong silang na sanggol ay pinag-suot ng face shield dahil sa pangambang mahawaan ng Covid-19

TOKYO (Kyodo) – Ang pinagsama-samang bilang ng mga sanggol na ipinanganak sa Japan at sa mga Japanese nationals na naninirahan sa ibang bansa ay nasa 872,683 noong 2020, bumaba ng 25,917 mula sa nakaraang taon at nagmamarka ng pinakamababang antas sa talaan, ayon sa datos ng ministeryo ng kalusugan na inilabas noong Lunes.

Ang bilang ng mga namatay ay bumaba sa 9,373 hanggang 1,384,544, ang unang pag-baba sa loob ng 11 taon, ayon pa sa ministeryo sa preliminary report na kasama rin ang data ng mga dayuhan na naninirahan sa Japan.

Nasa kabuuan ng 537,583 kasal na nakarehistro, bumaba sa 78,069, o 12.7% porsyento, ang pinakamalaking margin ng decline mula pa noong 1950.

Sinabi pa ng Ministry of Health, Labor and Welfare na ang coronavirus pandemic ay maaaring nakaapekto sa mga trend ng demograpiko, ngunit hindi pa ito nakakagawa ng isang kongkretong pagpapasiya.

Ang buong epekto ng pandemya sa rate ng kapanganakan ng bansa ay hindi masasabi hanggang 2021.

Matagal nang nahaharap ang Japan sa declining birth rates. Sa taong 2019, ang bilang ng mga ipinanganak sa bansa ay bumagsak ng mas mababa pa sa 900,000 sa kauna-unahang pagkakataon.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund