MAS MARAMING VOLUNTEERS ANG NAGBITIW NG DAHIL SA NGA MGA NASABI NI MORI

Bilang karagdagan, tinatayang nasa 126 kabuuan ng mga boluntaryo ng pitong mga prefectural government upang magsilbing transportation and sightseeing guide ay pare-parehong tumangging gawin ang kanilang mga gawain.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMAS MARAMING VOLUNTEERS ANG NAGBITIW NG DAHIL SA NGA MGA NASABI NI MORI

Ang fallout mula sa maliwanag na sexist remarks na binitawan ni Mori Yoshiro, pinuno ng Tokyo Olympics at Paralympics Organizing Committee, ay patuloy na kumakalat.

Hindi bababa sa tatlong mga runner para sa Olympic Torch Relay ang nagpasya na mag-withdraw kasama ang isang 57 taong gulang na lalaki sa Prepektura ng Fukushima kung saan magsisimula ang event sa Marso 25.

Ang lalaki ay tatakbo sa isang distrito na kungsaan mga residente ay kailangang lumisan pagkatapos ng 2011 na nuclear accident. Inaasahan niyang makatulong na mapalakas ang kanyang pamayanan, ngunit sinabi niya na hindi katanggap-tanggap na ang organizing committee at ang gobyerno ay mukhang ipinagtatanggol si Mori.

Si Tamura Atsushi, miyembro ng isang comedy duo, na kilala sa pangalang “London Boots,” ay nag-opt out din sa Torch Relay.

Bilang karagdagan, tinatayang nasa 126 kabuuan ng mga boluntaryo ng pitong mga prefectural government upang magsilbing transportation and sightseeing guide ay pare-parehong tumangging gawin ang kanilang mga gawain.

Sinabi Game’s Organizing Committee na 390 mga boluntaryo na nakapwesto sa Athlete’s Village at mga Event vVenues ay nagsipag-withdraw mula pa noong Lunes.

Ito ay nagresulta sa higit sa 500 na volunteers na magpasyang mag-pull out sa loob ng parehong linggo matapos na nasambit ang kontrobersyal na pahayag si Mori.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund