Mas kakaunti ang taong makakatanggap ng Pfizer vaccine dahil sa kakulangan ng syringe

Mababawasan ang bilang ng mga taong makakatanggap ng  COVID-19 vaccine ng Pfizer Inc. keysa sa tinatantiyang bilang dahil sa kakulangan ng mga espesyal na syringes na may kakayahang simutin lahat ng mga doses na nasa loob ng vial o bote. #PortalJapan See More ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspMas kakaunti ang taong makakatanggap ng Pfizer vaccine dahil sa kakulangan ng syringe

TOKYO

Mababawasan ang bilang ng mga taong makakatanggap ng  COVID-19 vaccine ng Pfizer Inc. keysa sa tinatantiyang bilang dahil sa kakulangan ng mga espesyal na syringes na may kakayahang simutin lahat ng mga doses na nasa loob ng vial o bote na ibibigay ng drugmaker, sinabi ng ministro ng kalusugan na si Norihisa Tamura nitong Martes.

Sinabi ng bansa noong nakaraang buwan na nakakuha ito ng doses para sa 72 milyong katao batay sa palagay na ang bawat vial ay maaaring magbigay ng anim na shot. Ngunit nang mapag alaman na kulang ang mga special syringes, may matitira sa mga bote dahil walang kakayahang mahigop ng mga normal na syringes at simutin ang isang bote, pawang ang mga espesyal na syringes lamang ang may kakayahan nito.

Kaya’t ang isang bote ay makukunan lamang ng 5 doses imbes na 6. Sa dahilang ito, ang limang doses ay sapat para sa 60 milyong katao, mas kumonti keysa sa tunang estimate na 72 milyong katao.

Gumagawa ngayon ng paraan na mapabilis at mas mapadami pa ang paggawa ng mga special syringes upang masulit sa 6 na doses ang kada vial.

Ayon sa speaker ng gobyerno na si Katsunobu Kato na ang ikaanim na doses na hindi masisimot ng mga syringes ay “itatapon” na lamang kung hindi ito maaaring makuha.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund