TOKYO (TR) – ayon sa mga pulis, isang manager ng isang outlet ng chain ng restaurant na Saizeriya ay inakusahan ng pag-nanakaw sa iba mga sangay ng nasabing kainan, mula sa ulat ng NHK ( Feb. 26).
Ayon sa mga pulis, si Kazuhito Sato, 30 taong gulang ay nagma-manage ng isang outlet ng Saizeriya sa Lungsod ng Hino. Bandang alas-2:35 ng madaling-araw nuong ika-23 ng Enero, niluoban umano ni Sato ang isang branch ng kainan sa lungsod ng Hachioji at kinuha umano ang perang nagkaka-halaga ng 350,000 yen sa kaha.
Sinabi rin ng mga pulis na nag-sara umano ang outlet na pinag-tatrabahuhan ng suspek sanhi ng pandemiya.
“ Ang sahod ko ay nabawasan ng mahigit 6 na lapad kada buwan,” sinabi ni Sato sa mga pulis. ” Ang ninakaw ko na pera ay ginamit sa gastusin araw-araw, pang-laro sa pachinko at pambayad sa mga utang.”
Nuong Disyembre taong 2019 at ang sumunod na buwan ng Enero, binisita umano ni Sato ang branch sa Hachioji dahil sa trabaho. At nuong mga oras na iyun ay kinuha niya ang susi. Upang makapasok sa nasabing kainan, ginamit niya ang employee entrance.
Siya ay naging person of interest nang suriin ng mga pulis ang security camera footage.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation