LOKAL NA ALKALDE NG JAPAN, BINASURA ANG MGA LIGAL NA PROBISYON NA PAGMULTAHIN ANG MGA PASYENTENG TUMANGGING MAGPAGAMOT

Sinabi pa ni Izumi, " Walang itong discount ,maaari itong maging malaking issue ng diskriminasyon, at maaaring hindi magsabi o ipaalam sa amin ng mga tao na sila ay infected. Ito ay isang maling paraan na pagbabago at dapat nilang alalahanin maaring kabaligtaran ang maging epekto sa kanilang nilalayon na resulta."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLOKAL NA ALKALDE NG JAPAN, BINASURA ANG MGA LIGAL NA PROBISYON NA PAGMULTAHIN ANG MGA PASYENTENG TUMANGGING MAGPAGAMOT

AKASHI, Hyogo – Sinabi ng alkalde ng lungsod ng kanlurang Japan noong Pebrero 17 na wala siyang balak na magpataw ng pagpapa-multa sa mga taong nahawahan ng coronavirus at tumanggi sa pagpapa-ospital o iba pang paggamot na pinagtitibay ng mga kamakailang pagbabago sa Infectious Disease Law.

Sinabi ni Akashi Mayor Fusaho Izumi sa isang press conference patungkol sa mga multa, “Hangga’t ako ang alkalde ng lungsod, hindi ko ito isasabatas.” Ayon sa Pamahalaang Lungsod ng Akashi, nakasaad sa batas na ang mga penalties ay iniissue ng pinuno ng isang munisipal na gobyerno na mayroong hurisdiksyon sa public health center.

Sinabi pa ni Izumi, ” Walang itong discount ,maaari itong maging malaking issue ng diskriminasyon, at maaaring hindi magsabi o ipaalam sa amin ng mga tao na sila ay infected. Ito ay isang maling paraan na pagbabago at dapat nilang alalahanin maaring kabaligtaran ang maging epekto sa kanilang nilalayon na resulta.”

Tinukoy din niya ang ideolohiyang nasa likod ng Infectious Disease Law, na naisabatas batay sa diskriminasyon sa kasaysayan laban sa mga taong may ketong at iba pang mga sakit, na sinasabing, “Ano ang natutunan sa kasaysayan? Ang mga rebisyon na naglalapat ng pagmu-multa ay pagkakamali sa mga patakaran, at isang mantsa sa kasaysayan. ”

Ang isang city ordinance na naglalayong ipatupad sa Abril ay pagtatakda ng mga pag-tugon sa mga pasyente ng coronavirus at iba pa, habang ipinagbabawal din ang diskriminasyon. Ang bahagi nito mababasa, “Habang isinasaalang-alang ang mga kalagayan ng mga residente ng lungsod, tutulungan namin sila habang nagbibigay ng suporta.”

Tungkol sa compatibility ng ordinansa ng lungsod sa mga pagbabago sa Infectious Disease Control Law, sinabi ni Izumi, “Ang teksto ng ordinansa ay naglalagay ng suporta, at hindi nito nire-reject ang Infecticious Disease Law.”

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund