OSAKA – Inaresto ng Osaka Prefectural Police ang isang 27 taong gulang na lalaki sa salang pagsaboy ng kanyang likido sa katawan sa maraming kababaihan sa Lungsod ng Osaka sa loob ng maraming taon, iniulat ng Mainichi Shimbun (Peb. 1).
Noong nakaraang Agosto, sinaboy umano ni Koji Hosonuma ang hindi natukoy na likido sa bag ng isang babaeng mamimili sa loob ng isang supermarket sa Naniwa Ward.
Sa kanyang pagka-aresto dahil sa salang suspicion of causing property damage, inamin ni Hosonuma ang mga paratang. “Ginawa ko ito upang masiyahan ang aking sekswal na pagnanasa,” sinabi niya.
Sa nagdaang ilang taon, maraming kababaihan ang nagsampa ng mga reklamo sa kapulisan tungkol sa mga katulad na insidente na nagaganap sa lungsod.
Matapos ang insidente noong Oktubre, gumamit ang kapulisan ng footage sa mga security camera at ang resulta ng pagsusuri ng ebidensya ng DNA sa iba pang mga insidente upang maiugnay ang suspek sa apat na kabuuang kaso na kinasasangkutan ng mga kababaihan sa kanilang 20s at 30s sa pagitan ng Oktubre 2018 at noong Nobyembre.
“PALAGI AKONG MAY DALANG LALAGYANAN”
Si Hosonuma ay nakatira sa Naniwa. Bago isagawa ang mga krimen, dala niya ang kanyang likido na naka-lagay sa mga lalagyan na parang bento boxed at hiringgilya nito.
Sa paghalughog sa kanyang tirahan, natagpuan ng mga awtoridad ang higit sa 10 lalagyan na naglalaman ng likido.
“Palagi kong dinadala ang mga lalagyan,” sinabi din ng suspek. “Ginawa ko ito 20 hanggang 30 beses, na pinupuntirya ang aking natitipuhang babae.”
Source and Image: Tokyo Reporter
Join the Conversation