TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang 70 taong gulang na lalaki dahil salang pananaksak sa lalaking naglalakad sa Nakano Ward noong nakaraang taon, ulat ng TV Asahi (Disyembre 10).
Bandang 5:30 ng umaga noong Disyembre 10, walang sabi-sabing bumunot ng kutsilyo si Noboru Wada ang upang laslasin ang upper body ng lalaking naglalakad, na tinatayang nasa edad 20, sa kalye sa harap ng Nakano Sun Plaza.
Ang biktima ay nagtamo ng 30 sentimetong haba na sugat mula sa kanyang lalamunan hanggang sa kanyang dibdib. Ang pinsala ay inaasahang mangangailangan ng isang buwan upang tuluyang gumaling, ayon sa kapulisan.
Sa kanyang pagka-areesto sa salang Attempted Murder, tumangging magbigay ng ng kumento ang salarin patungkol sa mga alegasyon laban sa kanya.
Bago ang insidente, naglalakad ang biktima papuntang JR Nakano Station kasama ang dalawang babaeng kaibigan. Nang biglang nakipagtalo sa kanya ang suspek.
Matapos ang insidente, tumakas ang salarin sa lugar. Isa sa mga kaibigan ng biktima ang nagreport sa kapulisan.
Si Wada ay naging person of interest sa nasabing kaso, matapos maimbestigahan ang footage ng CCTV sa lugar.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation