LALAKI, 18, ARESTADO DAHIL SA TANGKANG PAGPATAY MATAPOS ANG ISANG AWAY TRAPIKO  

Sinabi ng kapulisan na hinatak ng suspek ang helmet ng biktima mula sa kanyang ulo at saka ginulpi ng suspek na agad din tumakas sakay ng kanyang motorsiklo.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

KANAGAWA- Inaresto ng kapulisan sa Atsugi, Prepektura ng Kanagawa ang 18 taong gulang na lalaki na hinilang attempted murder matapos niyang bugbugin ang isang 53 taong gulang na lalaki matapos magtalo sa trapiko.

Ayon sa mga pulis , ang suspek, na hindi mapangalanan dahil siya ay menor de edad, ay sakay ng kanyang motor sa Zama dakong 11:45 ng gabi. noong Pebrero 6, nang diumano pingsawalang-bahala ang pulang ilaw ng biktima, si Tsuyohisa Atsumi, na sakay din sa kanyang motor, iniulat ng Sankei Shimbun. Huminto ang dalawa at isang malakas na pagtatalo ang sumunod, ayon sa isang malapit na residente.

Sinabi ng kapulisan na hinatak ng suspek ang helmet ng biktima mula sa kanyang ulo at saka ginulpi ng suspek na agad din tumakas sakay ng kanyang motorsiklo. Isang lokal na residente ang tumuwag sa 110. Si Atsumi ay dinala sa ospital kung saan nananatili itong nasa koma, sinabi ng mga pulis.

Ang suspek ay naaresto noong Biyernes matapos makilala ang kanyang motorbike sa pamamagitan ng mga footage ng surveillance ng camera sa kalye.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund