SAITAMA – Inilunsad ng Saitama Prefectural Police ang isang malawakang imbestigasyon matapos madiskubre ang mga labi ng kalansay ng isang lalaki sa bayan ng Tsubata, iniulat ng Saitama Shimbun (Pebrero 10).
Dakong 8: 30 ng umaga noong Pebrero 8, isang 71 taong gulang na lalaking mangangaso ang nakatagpo sa mga labi ng kalansay sa kagubatan.
Ayon sa Nishi Iruma Police Station, ang bangkay ay pinaniniwalaang sa isang nasa hustong gulang na lalaki. Walang mga personal na kagamitan na makakatulong sa kanyang pagkakakilanlan ang natagpuan sa pinangyarihan.
Ang katawan ay nakasuot ng jacket, t-shirt, itim na pantalon, itim na medyas at sneaker. Natagpuan din ang isang relo sa pinangyarihan.
Kasalukuyang nag iimbestiga ang kapulisan upang kumpirmahin ang pagkakakilanlan ng lalaki.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation