KASO NG MGA IMPEKSYON SA TOKYO NITONG ENERO MALAPIT NA SA 40,000

Sinasabi ng mga reliable sources na si Suga ay nakatakdang palawakin ang State of Emergency, na kasalukuyang sumasakop sa 11 sa 47 na prepektura ng Japan at nasa lugar hanggang Pebrero 7, hanggang sa isang buwan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspKASO NG MGA IMPEKSYON SA TOKYO NITONG ENERO MALAPIT NA SA 40,000

TOKYO (Kyodo) – Nakita ng Tokyo ang halos 40,000 bagong mga kaso ng coronavirus noong Enero, higit sa doble sa nakaraang buwanang mga impeksyon sa record noong Disyembre, ayon sa mga inilabas na pahayag ng metropolitan government noong Linggo.

Ang pigura ay sumasalamin ng mabilis na pagtaas ng mga impeksyon bago idineklara ng Punong Ministro Yoshihide Suga ang State of Emergency sa kabisera at mga nakapaligid na prepektura noong Enero 7, na hinihimok ang mga tao na manatili sa bahay at pinapakiusapan sa mga restawran at bar na magsara nang maaga.

Ang metropolitan government noong Linggo ay nag-ulat ng 633 bagong mga kaso ng coronavirus sa Tokyo, na nagdala ng kabuuan para sa Enero sa 39,664 at ang pinagsama-samang bilang sa 99,841. Ang pigura ng Enero ay ihinahambing sa 19,245 para sa Disyembre.

Habang ang mga impeksiyon ay unti unting kumawala sa ilalim ng State of Emergency, ang medical system ng kabisera ay nananatiling nalulula at may mga kaso ng mga pasyente na COVID-19 na hindi ia-admit sa mga ospital at kalaunan namamatay sa bahay.

Ang gobyerno ay nakikipaglaban upang makontrol ang pandemya bago ang Tokyo Olympics at Paralympics, na itinakdang magsimula sa mas mababa sa anim na buwan.

Sinasabi ng mga reliable sources na si Suga ay nakatakdang palawakin ang State of Emergency, na kasalukuyang sumasakop sa 11 sa 47 na prepektura ng Japan at nasa lugar hanggang Pebrero 7, hanggang sa isang buwan.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund