JAPAN, HANDA NA SA PAG-LUNGSAD NG PAGBA-BAKUNA  

"Magsisimula na kami ng pagbabakuna, na sinasabing pinakamalakas na sandata sa paglaban sa coronavirus. Inaasahan namin na maraming tao ang mababakunahan pagkatapos na lubusan na maunawaan ang benepisyo at peligro nito."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspJAPAN, HANDA NA SA PAG-LUNGSAD NG PAGBA-BAKUNA   

Nakatakda nang makakuha ng bakuna mula Pfizer ang mga Health Care Workers sa Miyerkules. Sila ang sektor na unang makakatanggap ng vaccine shot.

Isang ospital sa Tokyo ang tumanggap ng mga vial noong Martes ng gabi. Kung saan pinapanatili nito ang mga vaccines sa temperatura na humigit-kumulang na 75 degree Celsius sa isang espesyal na freezer.

Ipinahayag ng ministro na namamahala sa programa ng pagba-bakuna, halos 40,000 na mga mang-gagawang medikal sa 100 na mga ospital sa buong bansa ang maba-bakunahan.

Ang Regulatory Reform Minister ng Japan na si Kono Taro ay nagsabi, “Magsisimula na kami ng pagbabakuna, na sinasabing pinakamalakas na sandata sa paglaban sa coronavirus. Inaasahan namin na maraming tao ang mababakunahan pagkatapos na lubusan na maunawaan ang benepisyo at peligro nito.”

Sinabi pa ni Kono na ang mga matatanda ay susunod na priority simula pa noong Abril – pagkatapos ng halos 3.7 milyong mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan.

Ang mga lokal na pamahalaan ay naghahanda para sa massive rollout.
Plano ng mga opisyal ng lungsod ng Yokosuka na malapit sa Tokyo na payagan ang mga mamamayan na kunin ang mga vaccines sa isang department store. Ang mga Shopping discounts ay kasalukuyang binibigyan ng konsiderasyon para sa mga nakakakuha ng bakuna.

Sinabi ng opisyal ng Lungsod ng Yokosuka na si Hasegawa Jun, “Susubukan naming ipaalam sa mga mamamayan ang tungkol sa mga merits ng vaccinations.Tungkulin nating makahikayat ng maraming tao hangga’t maaari para ma-inoculate.”

Plano ng Ministry of Health na maglunsad ng isang survey sa pamamagitan ng social media upang malaman ang tungkol sa mga epekto sa post-injection.
Humigit-kumulang sa isang milyong tao, pipiliin at random, ay tatanungin tungkol sa pamamaga, pagkapagod o lagnat. Sinabi ng Pfizer, noong Enero 18, halos isa sa bawat 200,000 na mga njection ay nagdulot ng severe reaction.

Kapag pinahintulutan at nirooll out ng gobyerno ang mga bakuna mula sa iba pang mga developer, plano ng mga opisyal na palawakin ang survey.

Sampung mga prepektura, kabilang ang Tokyo at Osaka, ay mananatiling nasa ilalim ng state of emergency. Sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na ang bilang ng mga bagong kaso ay patuloy na bumababa, ngunit ang bilis ng decline na iyon ay naging mabagal.

Ang mga Health Authorities sa buong Japan ay nag-ulat ng higit sa 1,300 na bagong kaso ng impeksyon noong Martes na may 101 na bilang ng mga namatay. Ang kabuuan ng 644 katao ang kasalukuyang nasa malubhang kalagayan.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund