ILIGAL NA INTERNET CASINO, NATUKLASAN DAHIL SA ISANG INSIDENTE NG PAKIKIPAGTALO SA CUSTOMER

"Nagkakaroon ako ng mga 20 customer sa loob ng isang araw. Naisp ko ito ay magiging isang paraan upang kumita. "

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO – Natimbog ng Tokyo Metropolitan Police noong nakaraang buwan ang isang online casino sa Taito Ward matapos ang hindi pagkakaintindihan sa mga kustomer na nahatong sa isang diskusyon, ayon sa ulat ng TBS News ( Pebrero 23).

Noong Enero 18, sinalakay ng kapulisan ang casino Champ, na matatagpuan sa silong ng isang gusali sa Ueno, kungsaan tumambad ang 12 monitor na gamit para tumaya sa Baccarat sa isang overseas site.

Shuichi Chiba, Twitter

Inaresto ng mga opisyal si Shuichi Chiba dahil sa pagbibigay daan umano para mag-operate ng iligal na pagsusugal. “Kami ay nagbukas noong Nobyembre,” sinabi niya sa Ueno Police Station. “Nagkakaroon ako ng mga 20 customer sa loob ng isang araw. Naisp ko ito ay magiging isang paraan upang kumita. ”

Ang isang lalaking kostumer ay hinuli din ng mga awtoridad sa mga oras na iyon.

Ang Champ, na nagpapatakbo ng 24 oras ,at nanatiling bukas at nago-operate sa gitna ng pinakabagong state of emergency dahil sa coronavirus pandemic. Ang mga Security Camera ay nagtala ng mga footage kung saan makikita ang mga taong pumupunta sa nasabing lugar.

Bago ang pagkakaatimbog, dalawa sa mga customer ang nagreklamo matapos mawala ang higit sa ¥1 milyong yen. “Ibalik ang aming pera,” sabi ng isa sa kanila. Ang management ng Champ ay agad na nagreport sa kapulisan ng insidente.

Source : Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund