HINIHILING NG OSAKA, KYOTO AT HYOGO NA MAAGANG MATAPOS ANG STATE OF EMERGENCY

Sinabi ni Kyoto Gov. Takatoshi Nishiwaki na kahit na matanggal ang state of emergency, ang prepektura ay magpapatuloy na ipatupad ang panukalang paikliin ang operation hours ng mga establisimiyento.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

TOKYO- Umapela ang tatlong prepektura sa pamahalaang sentral noong Martes na iangat ang state of emergncy sa kanilang mga lugar ngayong katapusan ng linggo dahil sa pandemyang hatid ng coronavirus bago pa man ang pagtatapos ng orihinal na iskedyul nito sa Marso 7, ayon kay Osaka Gobernador Hirofumi Yoshimura.

Ang mga gobernador ng Kyoto, Osaka at Hyogo ay gumawa ng magkakasamang kahilingan sa economic revitalization minister na si Yasutoshi Nishimura, na namumuno sa pagtugon ng bansa sa pandemya, na binabanggit ang mga improvements sa bilang ng mga hospital bed na magagamit para sa mga pasyente ng COVID-19 at ang pagbaba ng pag-dagsa ng mga bagong kaso ng impeksyon.

Ang state of emergency , ang pangalawang beses ng Japan sa gitna ng pandemya. Ang una ay nang idineklara noong Enero 7 sa loob ng isang buwan, na sumasaklaw sa Tokyo at tatlong karatig na prepektura.

Noong Enero 13, pinalawak ito sa pitong iba pang mga prepektura kabilang ang tatlong mga lugar sa kanluran at kalaunan ay na-extend hanggang Marso 7 para sa 10 sa 11 na prepektura.

Sa ilalim ng virus emergency , hinihiling sa mga mamayan na iwasan ang mga hindi kinakailangang paglabas at para naman sa mga establisyemento gaya ng restawran at bar ang mga ito ay pinapayagan lamang mag-operate sa loob ng maikling oras.

Ang tatlong prepektura ay binanggit ang mga improvements sa bilang ng mga hospital bed na magagamit para sa mga pasyente ng COVID-19 at ang pagbaba ng pag-dagsa ng mga bagong kaso ng impeksyon.

Sinabi ni Kyoto Gov. Takatoshi Nishiwaki na kahit na matanggal ang state of emergency, ang prepektura ay magpapatuloy na ipatupad ang panukalang paikliin ang operation hours ng mga establisimiyento upang maiwasan ang muling pag-kalat ng impeksyon.

Ang gobernador ng Prepektura ng Aichi sa gitnang Japan, ay nagsabi na din ng kanyang saloobin sa pamahalaang sentral.

Nag-iingat ang Tokyo Gov Yuriko Koike tungkol sa pag-tanggal ng deklarasyong pang-emergency sa kabisera, dahil sa kasalukuyang sitwasyon ng pagkakaroon ng “malubhang” pag-dagsa ng mga bagong kaso ng impeksyon.

Sinabi din ni Koike na nagpaplano siyang magsagawa ng isang online meeting kasama ang mga gobernador ng tatlong kalapit na prepektura ng Saitama, Chiba at Kanagawa.

Source: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund