High school student arestado sa pangmomolestiya ng isang 4 years old na babae sa loob ng toilet

Inaresto ng pulisya ng Shizuoka prefecture ang isang 16-taong-gulang na high school student dahil sa hinalang pangmomolestiya sa isang 4 na taong gulang na batang babae sa isang public toilet noong nakaraang taon. #PortalJapan See more⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspHigh school student arestado sa pangmomolestiya ng isang 4 years old na babae sa loob ng toilet

SHIZUOKA

Inaresto ng pulisya ng Shizuoka prefecture ang isang 16-taong-gulang na high school student dahil sa hinalang pangmomolestiya sa isang 4 na taong gulang na batang babae sa isang public toilet noong nakaraang taon.

Sinabi ng pulisya na ang insidente ay nangyari noong Oktubre 18 sa isang shopping mall sa Hamamatsu City, iniulat ng Sankei Shimbun. Matapos na mahiwalay ang bata sa kanyang pamilya, dinala siya ng batang lalaki, na nakatira sa Fukuroi City, sa isang multipurpose na banyo kung saan siya ay inakusahan na hinawakan ang maseselang bahagi ng katawan ng bata.

Pagkatapos, sinabi ng bata sa kanyang mga magulang kung ano ang nangyari at agad nilang inereport ito sa pulisya. Sinabi ng pulisya na ang surveillance camera ay nagpakita na may isang batang lalaki na akay akay ang bata papunta sa loob ng banyo.

Nakilala ang suspect sa pagmanman nila sa lugar nang malaman ang hitsura ng lalaki sa cctv at positibong kinilala ito ng biktima.

© Japan Ngayon

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund