Ang isang panel ng Tokyo Olympic organizing committee ay magsasagawa ng isa pang pagpupulong sa Huwebes upang mapabilis ang proseso ng pagpili ng bagong pinuno ng Olympic committee. Napagpasyahan nila na tanungin ang malakas na candidate na si, Hashimoto Seiko, upang palitan si Mori Yoshiro.
Ang panel ay nagsagawa ng closed door meeting noong Martes at Miyerkules upang masusing magkapagpili ng kandidato.
Kung sumang-ayon si Hashimoto na kunin ang trabaho, ang komite ay magsasagawa ng pagpupulong ng lupon sa Huwebes upang italaga siya bilang bagong pinuno.
Nagsabi na si Olympic Minister Mori na bibitiw na siya sa pwesto noong nakaraang linggo kasunod ng backlash na kanyang natanggap dahil sa binitiwan niyang mga sexist na komento tungkol sa mga kababaihan.
Itinakda ng komite ang walong miyembro na panel na karamihan ay mga dating atleta upang matiyak ang transparency sa proseso ng pagpili ng papalit kay Mori
Join the Conversation