GINANG, ARESTADO SA PANG-AABUSO SA ISANG BUWANG SANGGOL

"Nasaktan ko siya ng maraming beses dahil sa stress mula sa pagpapalaki ng bata at mga gawain sa bahay."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

OTA, Gunma- Ang kapulisan sa Ota, Prepektura ng Gunma, ay inaresto ang isang 26 taong gulang na ina sa salang pananakit at pangaabuso sa kanyang isang buwang gulang na anak na babae, sa kanilang tirahan kung saan diumano pinaghahapas ng ina ang sanggol sa ulo dahilan upang ito ay mawalan ng malay.

Ayon sa mga awtoridad, si Reika Suzuki ay pinaghahampas sa ulo ang kanyang anak na si Riana ng maraming beses gamit ang kanyang mga kamay na nagsimula ng unang bahagi ng Enero hanggang kalagitnaan ng Pebrero, ayon sa ulat ng Sankei Shimbun. Ang pang-aabuso ay napatunayan nang dalhin ni Suzuki si Riana sa isang ospital noong Pebrero 15. Iniulat ng kawani ng nasabing ospital ang kaso sa isang child consultation center , na nakipag-ugnayan sa kapulisan kinabukasan.

Ayon sa ng mga doktor na ang bata ay nagtamo ng fracture sa bungo at kasalukuyang nananatiling walang malay.

Sinabi pa ng mga pulis na inamin ni Suzuki ang pang-aabuso sa kanyang anak na babae at sinabi nitong , “Nasaktan ko siya ng maraming beses dahil sa stress mula sa pagpapalaki ng bata at mga gawain sa bahay.”

Sinabi ng asawa ni Suzuki sa mga imbestigador na wala siyang kamalayan na ang kanyang asawa ay sinasaktan si Riana habang siya ay nasa trabaho.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund