TOKYO
Ang pagbagsak ng ekonomiya mula sa coronavirus pandemic ay nagdala ng malas sa trabaho at pang-araw-araw pamumuhay ng maraming dayuhang manggagawa sa Japan, sa kabila ng kanilang bilang na sa record high na humigit-kumulang na 1.72 milyon as of 2020.
Ang mga dayuhang manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pagbagsak ng ekonomiya ay namomroblema sa kanilang finances dahil hindi sila nakatanggap ng sapat na suporta, kaya’t marami ding mga eksperto sa labor ang tumtulong na magkaroon sila ng sapat na tulong sa pamamagitan ng paghimok sa gobyerno na mag-bigay sa mga foreign workers ng higit pa na tulong.
Si Yoshihisa Saito, isang associate professor ng labor law sa Kobe University, ay binigyang diin na ang ilang mahahalagang larangan ng industriya, tulad ng agrikultura at healthcare facilities, ay nahihirapan sa pagrecruit ng mga manggagawang Hapones. Ipinaglalaban niya na bakit hindi gawin ng prayoridad na mag hire ng maraming dayuhang workers at bigyan ng mataas na antas ng suweldo at iba pang mga benepisyo upang matugunanan ang kakulangan sa mga workers.
“Una sa lahat, upang malutas ang problema, kinakailangan magtatag ng isang mas mahusay na hanay ng mga kondisyon sa pagtatrabaho at kapaligiran, upang gawing mas madali para sa kapwa Japanese at dayuhan na magtrabaho na may pantay na mga benepisyo” sabi ni Saito.
© KYODO
Join the Conversation