Nakatakda ang European Union na muling ibalik ang pagbabawal sa pagpasok sa mga manlalakbay mula sa Japan kasunod ng pagdagsa ng mga kaso ng coronavirus sa bansa.
Ayon sa mga reliable source ang desisyon ay ginawa sa pulong ng antas ng embahador noong Miyerkules. Plano ng mga opisyal na gumawa ng anunsyo simula pa noong Huwebes.
Gamit ang bagong patakaran, ang pagpasok mula sa Japan ay hindi pahihintulutan sa prinsipyo, maliban sa mga taong may mahahalagang dahilan sa paglalakbay.
Matapos pagbawalan ang pagpasok ng mga manlalakbay mula sa mga bansa na hindi sakop ng EU sa estado ng pandemya, muling binuksan ng bloc noong Hulyo ang mga borders nito sa mga bisita mula sa ilang mga bansa na napapanatili ang pag-kontrol sa virus.
Pitong bansa, kabilang ang Japan at South Korea, ang nasa listahan matapos ang pinakahuling pagsusuri noong Disyembre.
Ang bawat estado ng kasapi ng European Union ay kailangang gumawa ng sarili nitong desisyon kung talagang ipagbabawal ang mga bisita mula sa Japan.
Ngunit ang lahat ng mga bansa na sakop ng EU ay may pare-parehong pang-unawa na kailangan nila higpitan ang paglalakbay sa loob at labas ng bloc, dahil ang mga bagong variants na patuloy na kumakalat sa rehiyon.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation