DIET, INAASAHANG MAGPATUPAD NG MGA BAGONG PANUKALANG BATAS

Ang tatlo ay ang Special Anti- Coronavirus Law, ang Infectious Disease Law at ang Quarantine Law.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaasahan na planuhin ng DIET ng Japan ang rebisyon ng tatlong batas upang matulungan ang bansa na mas epektibong pag-harap sa pandemyang dala ng coronavirus.

Ang tatlo ay ang Special Anti- Coronavirus Law, ang Infectious Disease Law at ang Quarantine Law.

Ang lehislasyon na i-revise ang mga nasabing batas ay magpapataw ng kaparusahan o pagmu-multa sa mga negosyo at indibidwal na hindi susunod sa mga anti-virus measures.

Inendorso ng Mababang Kapulungan ng DIET ang plano noong Lunes, matapos ang ilang pagbabago sa orihinal na mga rebisyon.

Ang mga namamahala at kampo ng oposisyon ay parehong sumang-ayon na huwag magpataw ng anumang kaparusahang kriminal sa mga nahawaang indibidwal na tumangging magpa-ospital, at sumang-ayon din ang mga partido na babaan ang mga iminungkahing multa para sa mga paglabag.

Sinimulan ang debate ng Mataas na Kapulungan nitong Martes. Ang Komite ng Gabinete ay inaasahang boboto pabor sa batas bago ito ihain sa buong sesyon ng kamara. Inaasahan na maaprubahan ito ng kamara na may suporta ng karamihan sa mga miyembro, kabilang ang mga governing coalition parties at ang oposisyon na Constitutional Democratic Party.

Ang DIET ay binigyang ang priyoridad ang pagtatanggol sa mga pagbabago o rebisyon kaysa sa pakikipag-debate patungkol sa plano ng badyet para sa piskal na 2021. Ang resulta, ang pagsasabatas ng mga rebisyon ay darating lamang araw pagkatapos magsimula ang debate sa DIET.

Ang Lower House ay nagpasa ng attached resolution na tumutukoy sa pangunahing mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng virus at paglilinaw din kung paano tutulong sa mga negosyo. Inaasahan na magpapasa ng katulad na resolusyon ang Komite sa Gabinete ng Mataas na Kapulungan.

Source: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund