KANAGAWA – Inaresto ng Kanagawa Prefectural Police ang isang deliveryman ng online food service na Uber Eats dahil sa isang hit-and-run na insidente sa Lungsod ng Yokosuka noong nakaraang buwan kungsaan nagtamo ng serious injury ang isang matandang baabae, ulat ng Nippon News Network (Pebrero 17).
Noong Enero 4, nasagasaan umano ni Ryo Kato, 32, ang babae, 86, ng kanyang motorsiklo sa tawiran patungo sa kalsada sa lungsod malapit sa Yokosuka-Chuo Station, kungsaan matapos ay tumakas ang nasabing drayber sa pinangyarihan ng aksidente.
Ang matandang babae ay nagtamo ng bali sa kaliwang binti na mangangailangan ng halos tatlong buwan na pagpapagaling, ayon sa mga pulis.
Sa kanyang pagka-aresto, mariing itinanggi ni Kato ang mga alegasyong kanyang hinaharap, “Wala akong memorya sa aksidente na nagaganap,” aniya ng suspek.
Sa oras ng insidente, si Kato ay magdi-deliver para sa Uber Eats. Naging person of interest siya matapos mahagip sa footage ng CCTVang kanyang Square Delivery backpack.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation