Inilabas ng Olympic organizers ang mga alituntunin laban sa coronavirus na dapat sundin ng mga internasyonal na pederasyon ng mga kalahok sa Tokyo Olympic at Paralympic Games.
Ang unang “playbook” para sa mga internasyonal na pederasyon ay inilabas noong Miyerkules. Pinagsama ito ng International Olympic Committee, ang Tokyo Organizing Committee ng Olimpiko at Paralympic Games at iba pa. Mayroong magkakahiwalay na mga playbook para sa mga atleta at media.
Kinakailangan ang mga internasyonal na delegasyon na magtalaga ng isang opisyal para sa COVID-19 info upang maging pangunahing kontak para sa lahat ng mga bagay na nauugnay sa coronavirus.
Dapat ding subaybayan ng mga myembro ng delegasyon ang kanilang kalusugan araw-araw sa loob ng 14 na araw bago maglakbay sa Japan.
Kailangan din nilang kumuha ng isang testing sa coronavirus sa loob ng 72 oras mula sa oras ng pag-alis ng kanilang mga flight sa Japan at magkaroon ng isa pang test sa pagpasok nila sa bansa.
Ang mga delegado ay hindi maaaring gumamit ng pampublikong transportasyon sa Japan maliban kung bibigyan sila ng pahintulot.
Maaari lamang silang umalis sa kanilang mga tirahan upang pumunta sa mga opisyal na venue ng laro at limitahan ang mga karagdagang lokasyon sa loob ng 14 na araw mula sa kanilang pagdating.
Ang paulit-ulit na mag violate o mga ayaw sumunod sa mga patakaran ay maaaring magresulta sa pag-tanggal ng accreditation at karapatang lumahok sa mga laro.
Plano ng mga opisyal na i-update ang playbook nang hindi lalampas sa Abril, na may higit na patnubay.
Inihayag na ang playbook ay magiging isang panimulang punto upang mapagtanto ang isang ligtas na Olympic games.
Join the Conversation