BILL SA LOWER HOUSE UPANG MANINGIL SA HINDI SUSUNOD SA MGA PATAKARAN LABAN SA CORONAVIRUS AAPRUBAHAN

Sa ilalim ng State of Emergency, hinihimok ng gobyerno ang mga tao na manatili sa bahay hangga't maaari at hiniling sa mga bar at restawran na bawasan ang operating hours.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspBILL SA LOWER HOUSE UPANG MANINGIL SA HINDI SUSUNOD SA MGA PATAKARAN LABAN SA CORONAVIRUS AAPRUBAHAN

TOKYO- Ang mababang kapulungan ng Japan noong Lunes ay nagpasa ng mga panukalang batas upang pag-multahin ang mga tao at mga negosyong hindi susunod sa mga hakbang ng bansa para mapigilan ang pagkalat ng novel coronavirus.

Ang Liberal Democratic Party na pinamunuan ni Punong Ministro Yoshihide Suga ay umatras sa isang kontrobersyal na panukalang pagkakakulong ng mga pasyente na may COVID-19 at tumatangging ma-ospital matapos harapin ang pang-gigisa mula sa oposisyon na Constitutional Democratic Party na nagsa-sabing ang mga naturang hakbang ay pagmamalabis.

Pinapayagan din ng batas ang pagtatalaga ng precursor situation sa State of Emergency kung saan maaaring gawin ang mga espesyal na hakbang upang labanan ang pagkalat ng virus.

Si Yasutoshi Nishimura, ministro na namamahala sa coronavirus response ng bansa, ay nagsabi sa isang mababang kapulungan ng panel na isinasaalang-alang ng gobyerno ang paglalapat ng mga espesyal na hakbang sa sitwasyon ng Stage 3 sa apat na puntong sukat nito, kung saan dumarami ang mga kaso ng impeksyon, ngunit maaaring isaalang-alang ang paggawa nito kahit na sa Stage 2 kung ang mabilis na pagkalat ay kinatakutan.

Sinimulan ng Parlyamento ang mga pagsasaalang-alang sa mga kinakailangang pagbabago sa infectious disease law at coronavirus special measures law nuong Biyernes at nakatakdang ipatupad ang batas ngayong Miyerkules kasama ang resolusyon.

Ang panukalang batas sa infectious disease law sa sakit ay para sa pagmu-multa ng hanggang 500,000 yen ng mga pasyenteng may COVID-19 na tumatanggi sa hospitalization at 300,000 yen para sa mga nabigo na makilahok sa mga epidemiological survey ng mga health authorities.

Orihinal na ipinahayag ng gobyerno na ang sentensya nang pakakabilanggo na hanggang sa isang taon o isang maximum na multa na aabot sa ¥ 1 milyong yen para sa mga taong tumanggi na ma-ospital pagkatapos ng positibong pagsusuri sa coronavirus, at multa hanggang ¥500,000 yen para sa mga hindi makipagtulungan sa mga epidemiological surveys.

Ang iba pang panukalang batas sa coronavirus special measures law ay mayroon din pagmu-multa ng hanggang ¥300,000 yen para sa mga restawran at bar na hindi makikipagtulungan sa mga tuntunin na paikliin ang kanilang operating hours sa ilalim ng state of emergency at hanggang sa ¥200,000 yen para sa mga hindi makikipagtulungan sa precursor situations.

Plano ng gobyerno na magpataw ng multa ng hanggang ¥500,000 yen sa dating senaryo at ¥300,000 yen sa huli.

Ang karagdagang resolusyon ay isang panawagan din para sa mga negosyo na bawasan ang operating hours at hindi tuluyang ipasara ng mabawasan at maiwasan ng mga tao ang paglabas.

Sa gitna ng muling pagkalat ng virus, idineklara ni Suga ang State of Emergency para sa rehiyon ng Tokyo noong Enero 7 at pinalawak ang saklaw nito upang masakop ang 11 na mga prepektura sa kabuuan, kabilang ang Osaka, Aichi at Fukuoka.

Sa ilalim ng State of Emergency, hinihimok ng gobyerno ang mga tao na manatili sa bahay hangga’t maaari at hiniling sa mga bar at restawran na bawasan ang operating hours. Ang mga kumpanya ay hinihimok na magpatibay ng remote work mode, habang ang mga pagdalo sa malalaking mga events ay na-capped.

Ngunit hindi katulad ng ibang mga bansa na nagpataw ng mga seryosong parusa sa mga hindi susunod, kasalukuyang walang parusa ang Japan para sa mga tatanggi na makipagtulungan sa mga tutuntunin.

Ang ilang mga bar at restawran, na tinamaan nang husto ng pandemya, ay hindi sumunod sa panukala upang maiwasan ang pagkawala ng mas maraming mga customer.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund