TOKYO – Isang 46 taong gulang na babae ang pinaghihinalaang iniwan ang kanyang bagong silang na anak na lalaki upang mamatay ilang sandali matapos siyang manganak sa isang templo sa Adachi Ward higit sa 2 dekada na ang nakalilipas, ayon sa mga awtoridad, ulat ng TBS News (Pebrero 9) .
Ayon sa kapulisan, ang mga resulta ng isang kamakailang isinagawang pagsusuri sa DNA ng mga ebidensya na naiwan sa templo ng Nishiarai Daishi ay napatunayan na isang match sa babae, na ngayon ay nakatira sa Lungsod ng Kawaguchi, Prepektura ng Saitama.
“Nanganak ako sa isang banyo,” sinabi ng babae sa mga pulis sa voluntary questioning “Pagkatapos nito, wala na ko naalala.” .
Ang insidente ay naganap noong Marso 1999, ang babae ay nakatira halos 200 metro mula sa templo. Matapos ang DNA match, binuksan muli ng aawtoridad ang dating itinuturing na isang cold case.
Plano ng kapulisan na ipadala ang babae sa prosekyusiyon sa salang Negligence of a Guardian resulting in Death.
Gayunpaman, ang babae ay inaasahang hindi makakasuhan dahil ang batas ng limitasyon ay nag-expire na.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation