Dahil sa patuloy na pag-ganda ng kondisyon ng coronavirus sa anim na prepektura, sinabi ng Punong Ministro na maaari nang alisin ang State of Emergency ngayong Linggo. Ngunit ang deklarasyon ay patuloy pa rin oobserbahin sa Tokyo at 3 pang karatig na prepektura nito.
” Ang tanging importante sa ngayon ay magsa-gawa ng hakbang upang pigilan ang pag-kalat ng impeksyon at mai-alis ang state of emergency sa buong nasa pag-dating ng ika-7 ng Marso.” ani ni Suga Yoshihide.
Ang mga sunusunod na prepektura ay maaalis ng maaga sa state of emergency bago matapos ang buwan, Osaka, Kyoto, Hyogo, Fukuoka, Aichi at Gifu.
Ngunit mananatiling sa ika-7 ng Marso ang pag-alis ng deklarasyon sa Tokyo, Kanagawa, Saitama at Chiba.
Nagkaroon ng iba’t-ibang pag-tugon ang mga mamamayan sa western Japan ukol sa kumakalat na balitang dahan dahan nang magiging maluwag ang mga restriksyon.
Isang ginang mula sa Fukuoka ang nag-sabi na ” Natutuwa ako at maganda sa pakiramdam. Nais ko nang makalabas at kumain sa labas kasama ang aking mga kaibigan pagka-tapos ng trabaho.”
Isang lalaki naman ang nag-sabi na, ” Ako ay nag-aalala sa isa nanaman surge, iyun bang sinasabi nilang rebound. Mas mainam para sa akin na puksain na nila ang virus bago pa man alisin ang state of emergency.”
Sinabi naman ng gobernador ng Osaka na ang prepektura ay hindi kikilos na padaos-daos lamang.
Sinabi ni Yoshimura Hirofumi na ” Importanteng hindi natin payagan na magkaroon ng mga kaso ng rebound. Dahan-dahan nating alisin o pagaanin ang mga restriksyon upang magkaroon ng balanse sa pagitan ng social at economic na mga aktibidad at hakbang laban sa virus. Ito ay magiging mahirap, ngunit kailangan nating subukan.”
Isang panel ng mga eksperto ang tumulong sa sentrong pamahalaan upang ito ay mapag-desisyonan, ngunit ang iba ay nanatiling nangangamba.
Ang punong eksperto ay nag-issue ng bagong panawagan para makipag-tulungan ang bawat mamamayan.
“Kapag ibinaba ang state of emergency, mas kakaunti ang hakbang ng infection control sa mga lugar. At madali lamang sa mga tao na kaligtaan ang mga ipinag-babawal.” ayon kay Omi Shigeru
Dahan-dahan na kumakaunti ang mga kaso ng impeksyon nitong nagdaang mga linggo. Mayroong 1,056 katao ang kumpirmadong mayroon ng bagong impeksyon at 80 pagka-matay sanhi nito ayon sa datos nitong Biyernes lamang.
Nag-ulat ang Tokyo ng 30 katao namatay sanhi ng coronavirus, nag-mamarka sa ikalawang mataas na daily tally sa talaan.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation