2 katao arestado sa Pilipinas, sa suspisyong pag-patay sa isang haponesa

Natagpuan si Maezawa na naka-handusay sa sahig sa loob ng kanyang kwarto habang ang kanyang mga kamay at paa ay nakatali, ito rin ay may busal sa kanyang bibig.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Ang litrato ay kuha nuong buwan ng Agosto 2020 sa Cabuyao, Laguna, Philippines kung saan naninirahan si Reiko Maezawa

CABUYAO, Philippines (Kyodo) — inaresto ng kapulisan sa Pilipinas ang 2 lalaki na pinag-sususpetsahan na pumaslang sa 82 anyos na haponesa sa isang lugar sa Maynila nuong buwan ng Agosto.

Ang 20 anyos at 16 anyos na mga salarin ay pinaslang umano si Reiko Maezawa na orihinal na nag-mula sa Prepektura ng Chiba na lugar na malapit sa Tokyo, matapos pasukin ng dalawang suspek ang tirahan nito sa Cabuyao, Probinsiya ng Laguna.

Ayon sa mga pulis, nuong umaga ng ika-2 ng Agosto, natagpuan si Maezawa na naka-handusay sa sahig sa loob ng kanyang kwarto habang ang kanyang mga kamay at paa ay nakatali, ito rin ay may busal sa kanyang bibig. Base sa paunang report, sinasabing kinuha umano ng mga suspek ang mga personal na kagamitan ng biktima kabilang ang singsing, cellphone at pera.

Ayon pa sa mga pulis, ang 20 anyos na isa sa mga suspek ay isang karpentero at ang menor de edad ay napag-alamang walang trabaho. Ang dalawa na naninirahan malapit sa tahanan ng biktima ay dinakip nitong Biyernes.

Si Maezawa ay naninirahang mag-isa nang oras na siya ay mapaslang matapos sumakabilang buhay ang kabiyak nito may ilang taon nang nakakaraan.

Source: The Mainichi

Image: Kyodo

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund