SAITAMA (TR) – nagsa-gawa ng imbestigasyon ang Saitama Prefectural Police matapos matagpuan ang tatlong katao na wala ng buhay sa loob ng isang sasakyan sa distrito ng Iruma nuong Huwebes, mula sa ulat ng Nippon News Network (Feb. 25).
Bandang pasado alas-2:00 ng hapon, natagpuang naka-park ang sasakyan sa lungsod ng Moroyama habang umaandar pa ang makina.
Nakita ang mga sunog na uling na natagpuan din sa loob ng sasakyan kasama ng mga nasawi. Sinabi rin ng mga pulis sa Iruma Station na ang mga bintana ng sasakyan ay naka-tape.
Pinaniniwalaan ng mga pulis na ang tatlo, 2 babaeng high school students, nag-eedad na 16 at 17 anyos at ang 50 anyos na lalaki ay naka-langhap ng usok ng carbon monoxide mula sa mga uling.
Ayon sa mga pulis, base sa isang liham na natagpuan sa lugar ng pinangyarihan, pinaniniwalaang ang tatlo ay nagpa-tiwakal.
Source: Tokyo Reporter
Image: Gallery
Join the Conversation