11 OPISYAL LUMBAG SA CODE OF ETHICS

Inihayag ng ministri na ang mga opisyal ay kumain kasama ang anak ni Suga sa 37 na okasyon sa pagitan ng 2016 at 2020.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp11 OPISYAL LUMBAG SA CODE OF ETHICS

Ayon sa Communication’s Ministry ng Japan may 11 na opisyal ang lumabag sa National Public Service Officials Ethics Code sa pamamagitan ng pag-entertain ng anak ng Punong Ministro na si Suga Yoshihide na nagtatrabaho para sa isang firm na kasangkot sa satellite broadcasting.

Ang ministeryo ay nagtapos ng isang imbestigasyon sa bagay na ito at naglabas ng kanilang pahayag noong Lunes.

Nang maipakita ang kaso, sinabi ng ministeryo na ang apat na nakatatandang opisyal, kabilang ang dalawang bise ministro para sa koordinasyon sa patakaran, ay nailibre ng mga hapunan. Sinasabi ngayon na pitong iba pa ang kasali dito.

Inihayag ng ministri na ang mga opisyal ay kumain kasama ang anak ni Suga sa 37 na okasyon sa pagitan ng 2016 at 2020.

Ang kabuuang halaga ay umabot sa higit sa ¥526,000 yen, o halos $5,000 dolyar.

Ayon sa report ang mga opisyal na nagsa-sabi na hindi nila naisip na ang kumpanya ay isang stakeholder sa pagpapatakbo ng ministeryo.

Ang report ay dapat isumite sa board of ethics ng National Personnel Authority sa Miyerkules. Kung maprubahan ng lupon, plano ng ministeryo na ireprimand ang 11 sa parehong araw.

Sinabi pa ng ministeryo na ang Cabinet Public Relations Secretary na si Yamada Makiko, ay nakasama din ng anak ng punong ministro noong 2019 noong siya ay naging ministro. Ang hapunan ay sinasabing nagkakahalaga ng $700 dolyar bawat tao.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund