Humingi ng paumanhin ang Punong Ministro ng Japan na si Suga Yoshihide para sa kakulangan ng gobyerno na magbigay ng sapat na pangangalagang medikal sa gitna ng pandemyang dala ng coronavirus.
Humingi ng paumanhin si Suga sa isang sesyon ng komite ng DIET noong Martes.
Ang isang senior officer ng oposisyon ay nabanggit ang ilang kaso ng mga nahawahan ay hindi maaaring mai-ospital. Tsujimoto Kiyomi ng Constitutional Democratic Party ay nagsabi na ang mga tao ay namamatay nang nag-iisa sa bahay nang walang hospital care.
Idinagdag pa niya na ang iba ay pumanaw habang nasa emergency transportation.
Tinanong ng mambabatas kay Suga kung sa kanyang palagay siya ba ay responsable para sa mga buhay na hindi nahagip sa pamamagitan ng public help.
Sinabi ni Suga na tungkulin ng gobyerno na palakasin ang sistema upang hindi mamatay ang mga tao habang papunta sa ospital.
Sinabi din niya na may pag-aalala sa publiko kung ang lahat ba ay maaaring makatanggap ng agarang atensiyong medika at kanyang ikinalulungkot ang mga pangyayari bilang tagapamahala.
Ang topic ay nabigyang pansin isang araw matapos ihayag ng kapulisan na, mula noong nakaraang Marso, halos 200 katao na may coronavirus ang mga namatay sa labas ng healthcare system.
Napipilitang tanggihan ng mga ospital ang parami nang paraming mga taong infected dahil overcrowded na ang halos karamihan. Sa huling tala, higit sa 35,000 mga carrier sa Japan ang pinapangalagaan sa kanilang mga sarili sa bahay.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation