TOKYO – Ang gobyerno ng Japan walang plano na suportahan ang mga taong naghihikahos sa kahirapan dahil sa epekto ng pandemyang dala ng coronavirus lampas sa benepisyo ng welfare system, mungkahi ni Punong Ministro Yoshihide Suga sa mga mambabatas noong Enero 27.
Ang administrasyon ni Suga ay sumailalim sa matinding pagbabatikos para sa hindi pagbibigay ng sapat na tulong sa mga taong natanggal sa trabaho, mga restawran at iba pang mga negosyo, at mga manggagawa na naghihirap dahil sa kawalan ng kita dahil sa mga panukala na paikliin ang oras na pag-ooperate ng kanilang mga negosyo dahil sa krisis na dala ng coronavirus.
Ang komento ni Suga ay narinig matapos si Michihiro Ishibashi, ng pinakamalaking oposisyon na Constitutional Democratic Party of Japan (CDP), ay nagtanong sa punong ministro sa sesyon ng House of Councilors Budget Committee, ” Sinasabi mo ba sa mga taong naghihigpit sinturon (dahil sa pandemya) na sila lamang ang makakatulong sa kanilang mga sarili?”
Sumagot si Suga na ang kanyang hangarin para sa lipunan “pagtulong sa sarili, pagtutulungan sa isa’t isa, public assistance, at community bonds.” Idinagdag pa niya, “Una sa lahat, dapat subukan ng (mga tao) ang anumang makakaya nilang gawin upang matulungan ang kanilang sarili. At kung walang mangyari , duon magsasagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang tumulong sa social safety net. Iyon ang uri ng mapagkakatiwalaang gobyerno na nais ko na magkaroon. ”
Tinanong ni Ishibashi, “Dumarami at mas maraming mga tao ngayon ang kumikitil ng kanilang sariling buhay dahil sa pagkawala ng kanilang kabuhayan. Ang (suporta) ba talaga ay nakakaabot sa mga taong nangangailangan?”
Sinagot ni Suga na , “Mayroong iba’t ibang mga hakbang sa bawat lugar at, sa huli, ang gobyerno ay mayroong welfare system.”
Nang maglaon, tumayo ang mambabatas ng CDP na si Renho at sinabi, “Iyon (ang punong ministro) na sagot ay lampas sa pamumutla.” Tinanong niya pagkatapos, “Hindi ba trabaho ng punong ministro, at politika, ang magtrabaho upang maiwasan ang mga tao na mahulog sa welfare.
Tumugon si Suga, “Sa huli ay mayroong safety net. At ang sinasabi ko ay nais kong lumikha ng trust-based na lipunan.”
(Orihinal na gawa ni Hironori Takechi, Kagawaran ng Balitang Politikal)
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation