Pinag-iisipan ng Japan na maningil ng hanggang $ 5K na multa para sa mga taong nahawahan at tumatanggi na sabihin sa mga opisyal ang kanilang mga kilos.

Ang hakbang sa pag-bibigay ng multa ay base sa Quarantine Act ng Japan, na nagsa-saad na ang mga taong tumakas sa isolation o detainment ay maaaring "parusahan sa pamamagitan ng pagka-bilanggo nang hindi hihigit sa isang taon o multa na hindi hihigit sa 1 milyong yen ( mga $ 9,654). "

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspPinag-iisipan ng Japan na maningil ng hanggang $ 5K na multa para sa mga taong nahawahan at tumatanggi na sabihin sa mga opisyal ang kanilang mga kilos.

TOKYO — Bilang bahagi ng pagsi-sikap na palakasin ang mga hakbang laban sa coronavirus sa Japan, ang Ministeriyo ng Kalusugan, Labor at Welfare ay nagsiwalat noong Disyembre 12 na tinitingnan nito ang pagbi-bigay ng mga parusa para sa mga taong nagsi-sinungaling o tumatanggi na sagutin ang mga katanungan para sa aktibong epidemiological na isinasa-gawa ng mga sentro ng kalusugan na gina-gamit sa mga pagsi-siyasat upang subaybayan ang mga ruta ng impeksyon.

Ito ay inilaan na ang mga hakbang ay isama sa mga pagbabago sa nakakahawang sakit na itinakda sa batas sa isang ordinaryong sesyon ng Diet nitong buwan ng Enero, at ang mga pagsasa-ayos ay nagpa-patuloy sa isang balangkas na nagmu-mungkahi ng multa na “500,000 yen (halos $ 4,828) o mas kaunti pa.”

Ang  parusa ay ipinaliwanag sa magka-sanib na sesyon na pinamumunuan ng Liberal Democratic Party (LDP). Bagama’t ang mga aktibong pagsi-siyasat sa epidemiological ay isang pangunahing hakbang para sa mga sentro ng kalusugan ng publiko upang maiwasan ang pagkalat ng mga impeksyon, may mga kaso ng mga nahawaang tao at iba pa na tumangging makapanayam at sagutin ang tungkol sa kanilang mga kasalukuyang pag-galaw, ito ay nakarating sa kaalaman ng National Governors ‘Association na siyang nag-tulak upang magsa-gawa ng hakbang upang matiyak ang bisa ng mga pagsisiyasat.

Isasa-gawa ang pagsu-suri batay sa isang regulasyon na nagsa-saad na ang mga multa ng hanggang sa 500,000 yen ay maaaring singilin sa mga indibidwal na tumanggi sa mga pagsi-siyasat sa quarantine o mag-bigay ng maling mga kasagutan. Ang mga probisyon ay para lamang sa mga taong nahawahan at mga taong pinagsu-suspetsahang o pinag-hihinalaang may sakit ang napapailalim sa nasabing pagmu-multa. Ang mga indibidwal tulad ng pagka-karoon ng close contact sa mga nabanggit na tao ay hindi maaapektuhan sa nasabing pagmu-multa.

Inihayag din na ang mga indibidwal na mayroong minor o walang sintomas na tumanggi na makipag-tulungan sa mga kahilingan na manatili sa bahay o sa itinalagang tirahan ay maaaring payuhan ng mga gobernador ng prepektura na magpa-ospital, at ang sinumang tumanggi sa kanilang mga payo ay maaaring mapasa-ilalim sa multa.

Ang nilalaman ng nasabing parusa ay ginawa nang may pagsasaalang-alang sa mga hakbang base sa Quarantine Act ng Japan, na nagsa-saad na ang mga taong tumakas sa isolation o detainment ay maaaring “parusahan sa pamamagitan ng pagka-bilanggo nang hindi hihigit sa isang taon o multa na hindi hihigit sa 1 milyong yen ( mga $ 9,654). ”

Ang mga regulasyon naman para sa mga gobernador ng prepektura ay hikayatin ang pagbi-bigay ng mga pagkain at pang-araw-araw na ginagamit na mga produkto para sa mga taong nagpapa-galing ay may  bagong balangkas din, at isang legal na obligasyon na gawin ang lahat ng maka-kaya upang ma-secure ang mga pasilidad upang matirahan ng mga taong nahawahan ay maitatatag din.

Source and Image: The Mainichi

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund