MATANDANG BABAE NATAGPUAN SA LOOB NG REF

Isang miyembro ng cleaning crew ang tumawag sa kanila matapos makita ang ulo ng tao na nakausli mula sa ref sa loob ng isang aparador.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKYO – Ipinahayag ng Tokyo Police na ang bangkay ng isang matandang babae ay natagpuang nakasiksik sa loob ng ref sa isang housing complex noong Miyerkules.

Ayon sa mga imbestigador, ang apartment na matatagpuan sa Katsushika Ward ay inuupahan diumano ng babaeng tinatayang nasa edad 70, kasama ng kanyang anak na babae ,na hindi pa nakakapanayam ng kapulisan, iniulat ng Fuji TV.

Sinabi pa ng mga pulis, dakong 2:00 ng hapon noong Miyerkules, isang miyembro ng cleaning crew ang tumawag sa kanila matapos makita ang ulo ng tao na nakausli mula sa ref sa loob ng isang aparador. Nang makarating ang mga pulis sa sinasabing apartment , nakita nila ang nabubulok na labi ng matandang babae.

Hinahanap ng kapulisan ang anak na babae ng matanda na nasa edad 40. Ayon sa mga kwentong nakalap ng mga pulis sa mga kapitbahay, lumipat ang anak kasama ang kanyang ina bilang tagapag-alaga ng matanda ngunit alinman sa kanilang dalawa ay hindi nakikita sa loob ng dalawang buwan. Sinabi din ng manager ng apartment na ang renta sa upa ay matagal nang overdue. Matapos makatanggap ng eviction notice, nagsabi ang anak na kanya nang lilisanin ang apartment at duon lamang nakapunta ang cleaning crew noong Miyerkules.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund