Share
AICHI – Isang babae na nasa 80s at ang kanyang anak na nasa edad 60 ay namatay matapos masunog ang kanilang bahay sa Kasugai, Prepektura ng Aichi nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa mga imbestigador, isang kapitbahay ang tumawag sa 119 bandang 2:40 ng umaga matapos makita ang apoy na nagmula sa dalawang palapag na bahay na gawa sa kahoy, iniulat ni Sankei Shimbun. Walong trak ng bumbero ang rumisponde at naideklara ang fire out makalipas ang dalawang oras.
Ayon pa sa mga pulis ang mga labi ng mag-ina ay natagpuan sa ikalawang palapag ng bahay.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation