LUNGSOD KALAPIT NG TOKYO MAGLULUNGSAD NG VACCINATION TEAM

Sinabi niya na inaasahan nilang maging abot kamay ang mga bakuna sa mga taong nais na ma-inoculate at magsisikap na protektahan ang buhay at kalusugan ng mga tao.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspLUNGSOD KALAPIT NG TOKYO MAGLULUNGSAD NG VACCINATION TEAM

Ang mga munisipalidad ng Japan ay naghahanda upang mangasiwa ng mga bakunang pangontra coronavirus. Ang isang lungsod na malapit sa Tokyo ay nagtaguyod ng isang koponan upang mag-coordinate sa proseso.

Ang lungsod ng Ebina sa Prepektura ng Kanagawa ay nagtalaga ng mga miyembro ng koponan noong Lunes, ang unang araw ng negosyo ng 2021.

Ang koponan ay napili sa parehong araw habang inihayag ng punong ministro ng Japan ang isang target sa huling bahagi ng Pebrero para sa pagsisimula ng pagbabakuna.

Nanawagan si Ebina Mayor Uchino Masaru sa grupo na agad na mangalap ng impormasyon tungkol sa pagdating ng mga bakuna pati na rin ang mga pamamaraan ng inokulasyon, upang lumikha ng isang citywide system.

Ang 14 na kasapi ay sumasaklaw sa mga kagawaran ng lungsod, kabilang ang Health & Welfare Divsion, at tanggapan ng alkalde.

Magpapadala sila ng “mga inoculation voucher “, pumili ng mga lokasyon at petsa, at maiayos ang mga alokasyon ng mga medical staff.

Ang group leader na si Komatsu Yukiya ay nagsabi na ang kanyang koponan ay magbibigay ng accurate information tungkol sa pagiging epektibo at mga panganib ng mga bakuna.

Sinabi niya na inaasahan nilang maging abot kamay ang mga bakuna sa mga taong nais na ma-inoculate at magsisikap na protektahan ang buhay at kalusugan ng mga tao.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund