YOKOHAMA – Isang lalaki na umano’y sumalakay sa mga opisyal na may hawak na kutsilyo ay pinagbabaril ng pulis sa isang apartment building sa lungsod , na nasa timog ng Tokyo noong Enero 26.
Ang lalaki, na iniulat at inilarawan ang kanyang sarili na nasa edad 60 , ay dinala sa isang ospital sakay ng ambulansya, bagama’t ang kalubhaan ng tinamong sugat ay hindi pa matukoy. On the spot na inaresto ang sinasabing lalaki sa,salang obstructing a police officer’s duties.
Ang Kanagawa Prefectural Police at Kohoku Police Station ay nakatanggap ng tawag tungkol sa “isang kahina-hinalang tao” sa isang gusali sa Kohoku Ward ng Yokohama dakong 7:00 ng umaga ng araw na iyon.
Limang mga opisyal ang ipinadala sa pinangyarihan, at ang suspek ay natagpuan sa isang third-floor hallway. Binalaan ng mga opisyal ang lalaki na ibaba ang kanyang kutsilyong hawak, ngunit hindi diumano ito sumunod at sinugod nito ang kapulisan. Ang isa sa mga pulis ang nagtamo ng konting hiwa.
Source and Image: The Mainichi
Join the Conversation