LALAKI,30,INAKUSAHAN NG PAMBUBUGBOG SA KANYANG 8 TAONG GULANG NA STEP SON

Noong May 26, 2019, si Akiyo Kuboyama ay sinasabing paulit-ulit diumanong sinipa ang bata, sa tiyan at iba pang mga bahagi ng kanyang katawan. Nasa 8 taong gulang ang bata ng mga panahong iyon.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

SAITAMA – Inaresto ng Saitama Prefectural Police ang isang 30 taong gulang na lalaki dahil sa hinihinalang pananakit sa kanyang step son sa loob ng kanilang tirahan sa Lungsod ng Tsurugashima, dalawang taon na ang nakalilipas, ulat ng NHK (Enero 26).

Noong May 26, 2019, si Akiyo Kuboyama ay sinasabing paulit-ulit diumanong sinipa ang bata, sa tiyan at iba pang mga bahagi ng kanyang katawan. Nasa 8 taong gulang ang bata ng mga panahong iyon.

&nbspLALAKI,30,INAKUSAHAN NG PAMBUBUGBOG SA KANYANG 8 TAONG GULANG NA STEP SON
Akio Kuboyama. (Twitter)

Ang batang lalaki ay nabalian ng braso at nagkapasa sa kanang baga, mga pinsala na nangangailangan ng anim na buwan pagpapagaling, ayon sa mga pulis.

Sa kanyang pagka-aresto dahil sa salang inflicting bodily harm noong Martes, inamin ni Kuboyama ang mga binibintang sa kanya, pahayag ng Nishi Iruma Police Station.

“NAHULOG MULA SA PUNO”

Matapos ang insidente, ang ina ng batang lalaki, na asawa ng suspek, ay kumontak sa emergency services. “Ang aking anak ay nahulog mula sa isang puno,” paulit ulit niyang sinasabi.

Noong nakaraang Agosto, naglunsad ang kapulisan ng imbestigasyon pagkatapos mag-ulat ang isang child consultation center , “Bilang resulta ng isang pagtatanong, tila ang mga pinsala ng bata ay sanhi ng pang-aabuso ng kanyang amain.”

Ang pang-aabuso ay nagsimula tatlong taon na ang nakakaraan, nang inalerto ng kapulisan ang
child consultation center. Kungsaan, pagkatapos ang center, kapulisan at ang pamahalaan ng lungsod ay nagpulong, na naging resulta ay subaybayan ang bata dahil “nangangailangan ito ng proteksyon.”

Source: Tokyo Reporter

Image: Twitter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund