KUMAMOTO- Inaresto ng Uki, Kumamoto Prefecture, ang 67 taong gulang na lalaki sa salang pagpatay sa pamamagitan ng pagsakal sa kanyang 90 taong gulang na ina sa kanilang tahanan.
Ayon sa mga awtoridad , si Masamitsu Uchiyama, na nanirahan kasama ang kanyang mga magulang, ay umamin sa pagkakasala, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng suspek na naramdaman niya ang labis na sama ng loob sa kanyang mga magulang.
Ang ama ni Uchiyama, na nasa 90, ay natagpuan ding patay , at ang tinutukoy na salarin ay si Uchiyama, dagdag pa ng mga pulis. Walang anomang mga pinsala sa katawan ng ama at isang autopsy ang isasagawa upang matukoy ang sanhi ng pagkamatay nito.
Pinaniniwalaan na napatay sa pananakal ni Uchiyama ang kanyang ina, si Etsuko, sa pagitan ng Enero 17 at 18 sa kanilang tahanan.
Noong Lunes ng umaga, natuklasan ng isang home care worker ang nakatagpo sa mga labi ng biktima na nakahandusay sa kanyang silid-tulugan at daliang tumawag sa 119.
Source: Japan Today
Image: Gallery
Join the Conversation