Japan maaaring i-extend pa ang state of emergency

Sinabi ng mga opisyal ng Japan na maaaring kailanganin ng gobyerno na i-extend ang state of emergency, kung walang nakikitang improvement sa pagbaba ng mga impeksyon ng coronavirus sa Tokyo at sa iba pang lugar. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sinabi ng mga opisyal ng Japan na maaaring kailanganin ng gobyerno na i-extend ang state of emergency, kung walang nakikitang improvement sa pagbaba ng mga impeksyon ng coronavirus sa Tokyo at sa iba pang lugar.

Ang isang state of emergency ay kasalukuyang inisyu para sa 11 na prefecture, kabilang ang Tokyo, hanggang Pebrero 7.

Ang pang-araw-araw na bilang ng mga bagong kaso na nakumpirma sa kabisera ay unti-unting bumabagsak mula noong ang state of emergency ay inisyu noong Enero 7. Ngunit sinabi ng mga eksperto na ang pagbaba ay mabagal, at ang proporsyon ng mga matatanda na nahahawaan ay tumataas.

Ang mga ospital ay nahihirapan nang i accomodate ang lahat ng pasyente, at may mga alalahanin na ang bilang ng mga seryosong kaso ay maaaring tumaas pa sa mga matatandang pasyente.

Ang ministro na namamahala sa tugon sa coronavirus ng bansa, si Nishimura Yasutoshi, ay nagsabi sa Diet noong Martes na ang gobyerno ay gagawa ng isang desisyon sa isang tiyak na oras kung ano ang gagawin sa state of emergency.

Plano ng gobyerno na pag-aralan kung pahabain pa ang deklarasyon habang masusing sinusubaybayan ang mga impeksyon sa buong bansa pati na rin ang mga strain sa mga sistemang medikal.

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund