HANDYMAN, NAKATAGPO NG BANGKAY!

Dahil sa ikinikilos ng babae, naniniwala ang kapulisan na maaaring hindi ito mentally capable upang managot sa krimen.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

TOKUSHIMA – Iniharap ng Tokushima Prefectural Police ang isang babae sa mga tagausig matapos matagpuan ang mga labi ng kanyang anak na lalaki sa anilang tirahan sa Lungsod ng Tokushima, iniulat ng Tokushima Shimbun (Disyembre 30).

Bandang 10:30 ng umaga noong Lunes, isang handyman na bumibisita sa tirahan upang palitan ang isang bombilya ang di sinsadyang matagpuan ang bangkay ng 26 taong gulang na anak na lalaki sa itaas ng futon sa kusina.

“Kahit na alam kong patay na siya, iniwan ko ang [kanyang katawan] tulad ng dati,” sabi ng babae, 50, sa mga imbestigador ng Tokushima Meisei Police Station.

Ayon sa mga pulis, ang mga resulta ng awtopsiya ay nagpapahiwatig na ang anak ay namatay dahil sa sakit.

Magkasamang naninirahan ang mag-ina sa nasabing tirahan. Sinabi ng ina na pumanaw ang kanyang anak nito lamang Disyembre.

Dahil sa ikinikilos ng babae, naniniwala ang kapulisan na maaaring hindi ito mentally capable upang managot sa krimen.

Gayunpaman, iniharap ang babae sa mga tagausig sa salang Abandoning a Corpse, nitong Martes.

Source: Tokyo Reporter

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund