Driver arestado sa attempted murder nang tumakas sa pinag-utangang lalaki na kumapit naman sa hood ng sasakyan nito

Isang 24-taong-gulang na lalaki ang inaresto sa tangkang pagpatay matapos siyang magmaneho nang halos 500 metro at sinusubukang patalsikin ang isang 58-taong-gulang na lalaki na nakakapit sa hood ng kanyang sasakyan dahil tumakas ito habang sinisingil sya sa kanyang utang. #PortalJapan See more ⬇️⬇️⤵️⤵️

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

 

KANAGAWA

Isang 24-taong-gulang na lalaki ang inaresto sa tangkang pagpatay matapos siyang magmaneho nang halos 500 metro at sinusubukang patalsikin ang isang 58-taong-gulang na lalaki na nakakapit sa hood ng kanyang sasakyan dahil tumakas ito habang sinisingil sya sa kanyang utang.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente dakong 10:05 ng gabi. noong Miyerkules sa Atsugi, Kanagawa Prefecture, iniulat ng Sankei Shimbun. Sinabi ng pulisya na si Masahide Kawakami, na nagpapatakbo ng isang bar sa Atsugi, ay may utang sa biktimang lalaki na humigit-kumulang isang milyong yen.

Nang dumating ang lalaki upang kolektahin ang kanyang pera, sumakay si Kawakami sa kanyang kotse upang tumakas ngunit ang lalaki ay hinarangan ang harap ng sasakyan. Habang pinapaandar ni Kawakami ang kotse kumapit ang lalaki sa side mirror at sumakay sa hood ng sasakyan.

Tinangkang patalsikin ni Kawakami  ng halos 500 metro bago nahulog ang lalaki. Sinabi ng pulisya na nagtamo siya ng bali sa collar bone.

Si Kawakami, na naaresto noong Huwebes, ay nagsabing nag-panic siya nang ang lalaki ay sumampa sa hood at nais lamang niyang kumawala ito. Sinabi niya na wala naman siyang balak na patayin ito.

© Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund