DRAYBER NG TRAK, PATAY, MATAPOS MALIBING SA NIYEBE NG BUHAY

Naniniwala ang kapulisan, na natabunan ng gumuhong bahagi ng niyebe si Takahashi.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Japan ambulance

AKITA- Isang 67 taong gulang na lalaki ang namatay nang siya ay malibing sa niyebe matapos niyang iwan ang kanyang trak na pumalya ang makina sa Yokote, Prepektura ng Akita , pahayag ng awtoridad noong Linggo.

Ang mga empleyado ng lungsod na nagtata-tarabaho sa pagtanggal ng niyebe sa may limang-metrong lawak ng kalsada ay tumawag sa 119 dakong 1:45 ng hapon noong Sabado at iniulat ang isang trak na nakaparada sa kalsada at bahagyang natakpan ng niyebe, iniulat ng Fuji TV. Sinabi ng mga pulis na si Toshimi Takahashi, isang part-time na empleyado, ay natagpuan na natabunan ng niyebe mga 20 metro mula sa trak. Agad itong dinala sa ospital kung saan siya ay binawian ng buhay.

Umabot ang niyebe ng hanggang 2.5 metro sa magkabilang gilid ng kalsada. Naniniwala ang kapulisan, na natabunan ng gumuhong bahagi ng niyebe si Takahashi.

Ang lugar ay nakakaranas ng matinding niyebe mula pa noong Disyembre 30, ayon ng mga local weather bureau officials.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund