TOKYO – Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang isang 37 taong gulang na babaeng Chinese national dahil sa diumano’y pagapapadukot sa kanyang ama sa Chuo Ward noong nakaraang taon, ulat ng TBS News (Enero 25).
Noong Enero 23, kinasuhan ng kapulisan ang babae sa salang Abduction and Confinement resulting to injury.
Ang kanyang ama, isa ring chinese national, ay isang 66 taong gulang na corporate executive. Hapon ng August 18, 2020, tatlong tao ang dumukot sa kanya habang siya ay nagbi- bisikleta sa mayamang distrito ng Ginza at saka itinulak siya sa loob ng isang puting van.
ARESTADO HABANG PATUNGO NG HOKKAIDO
Makalipas ang limang oras, bandang 10:00 ng gabi, pinakawalan ng mga kidnappers ang executive sa isang parking lot ng isang hotel sa Lungsod ng Katsuura, Prepektura ng Chiba. Bago ito, kumuha sila ng halos ¥3,000 yen na cash at isang mobile phone.
Ang babae ay dating director ng isang cosmetics company na kungsaan pangulo ay ang kanyang ama. Dumating sa isang punto na nagkaroon ang mag-ama ng hindi pagkakaintindihan sa pamamalakad ng kumpanya dahilan kung bakit umalis ang anak na babae sa kumpanya.
Inaresto ng mga awtoridad ang babae habang patungo siya sa Prepektura ng Hokkaido.Patuloy ang imbestigasyon upang malaman kung ang dahilan ng krimen.
Source: Tokyo Reporter
Image: Twitter
Join the Conversation