ANA NAGA-ALOK NG EMPLOYEES LEAVE HANGGANG DALAWANG TAON

Habang ang sinasabing leave ay hindi mababayaran, ang kumpanya ay magbibigay ng ¥200,000 yen.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspANA NAGA-ALOK NG EMPLOYEES LEAVE HANGGANG DALAWANG TAON

TOKYO – Ang All Nippon Airways Co ay maglulungsad sa Abril ng isang sabbatical system na magpapahintulot sa mga empleyado nito na ituloy ang pansariling interes tulad ng pag-aaral ng hanggang sa dalawang taon, ipinahayag ng mga opisyal ng kumpanya noong Martes, habang tumataas ang demand sa paglalakbay sa gitna ng pandemyang dala ng coronavirus.

Ang strategy ng airline, na unprecented sa Japan sa mga tuntunin ng haba ng bakasyon, habang sinusubukan ng ANA mabigyang solusyon ang labor costs, na naglagay sa maraming empleyado on forlough dahil sa malawakang pagkalat ng virus.

Tinatayang nasa humigit kumulang 15,000 mga piloto ng ANA, mga cabin at ground staff ang eligible para sa New Sabbatical System upang ipagpatuloy ng mga ito ang mga layunin na nangangailangan ng pangmatagalang pagpaplano tulad ng pag-aaral sa ibang bansa, pagkuha ng mga kwalipikasyon at pansamantalang pagtatrabaho sa ibang mga kumpanya, ayon sa opisyal.

Habang ang sinasabing leave ay hindi mababayaran, ang kumpanya ay magbibigay ng ¥200,000 yen para sa mga nasa loob ng fiscal 2021 na nagsisimulang maayos sabbatical na higit sa isang taon.

Saklaw ng airline ang mga kontribusyon sa social security ng mga empleyado sa panahon ng kanilang absence na maaaring tumagal ng kahit isang buwan. Ang mga kumukuha ng sabbatical ay maaaring pumili mula sa maraming mga pagpipilian ng haba – hanggang sa limang buwan, isang taon, 18 buwan at dalawang taon.

Ang ANA ay mayroon nang mga leave system para sa mga empleyado na nakikibahagi sa nursing care at fertility treatment at pati na rin ang pag-aaral sa ibang bansa o mga advanced na programa sa edukasyon na magbibigay ng karagdagang kaalaman upang mas mapabuttiang kanilang mga kontribusyon sa kumpanya.

Ang kasalukuyang leave system ay isasama sa bagong Sabbatical scheme, kung saan maaaring iwanan ng mga empleyado ang workplace nang hindi binabanggit ang mga kadahilanan, dagdag pa ng mga opisyal.

Samantala, sinabi ng major Japanese airline nitong Martes na suspindihin nito ang mga serbisyo sa 16 international flights mula huling bahagi ng Marso dahil sa pagbagsak ng travel demand dahil sa pandemya.

Ang mga serbisyong pansamantalang ihihinto sa bagong iskedyul sa pagitan ng Marso 28 at Oktubre 30 kasama ang mga nasa pagitan ng paliparan ng Haneda ng Tokyo at Moscow, paliparan ng Narita sa silangan ng kabisera ng Japan at New York, pati na rin ang San Francisco, habang binabawasan ang bilang ng mga flights sa pagitan ng Haneda at Bangkok at sa dalawa pang ruta.

Ang scale of operation ay nasa kalahati lamang ng paunang plano ng nakaraang taon. Ang ANA, na nagbawas ngayon ng halos 80 porsyento ng mga international flights mula sa paunang plano nito, na nagsabi na panatilihin ang flexible approach sa mga operasyon nito, habang pinapanatili ang close tabs sa demand trends at ang sitwasyon ng pandemya.

Sinabi din ng kumpanya na babawasan ang mga gastos sa pamamagitan ng paggamit ng mas maliit na sasakyang panghimpapawid at ipromote ang maagang pagreretiro ng mga Boeing 777s, at mapalitan ang mga ito ng mas fuel-efficient na Boeing 787s, alinsunod sa plano na inihayag noong Oktubre.

Source and Image: Japan Today

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund