3 kalalakihan natagpuang patay sa loob ng kanilang tent sa isang kagubatan sa Chiba

Suspetsa ng mga imbestigador na ang tatlo ay namatay sanhi ng carbon monoxide poisoning.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email
Police Siren

Ayon sa mga pulis, ang 3 kalalakihan ay umakyat s bundok upang manghuli ng pato nuong Linggo, ulat ng Sankei Shimbun. Isang kakilala na nag-hahanap sa 3 ang naka-kita na ang mga ito ay naka-handusay sa loob ng kanilang tent bandang alas-8:30 ng umaga nuong Lunes.

Dalawa sa tatlong kalalakihan ay nag eedad na 70 at ang isa ay nasa 60. Ang mga ito ay kinumpirmang wala nang buhay ng mga firefighters na pumunta sa nasabing lugar ng insidente. Ayon sa fire department, ang tatlo ay namatay habang sila ay tulog.

Ang mga lalaki ay walang nakitang anumang pinsala sa katawan, ngunit may natagpuang kerosene heater at lampara sa loob ng tent. Suspetsa ng mga imbestigador na ang tatlo ay namatay sanhi ng carbon monoxide poisoning.

Source: Japan Today

Image: Gallery

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund