1 PATAY, 8 NA-OSPITAL MATAPOS MABILAUKAN

Ayon sa Tokyo Fire Department, ang mga biktima ay kalalakihan at kababaihan na nasa edad 70 hanggang 93.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbsp1 PATAY, 8 NA-OSPITAL MATAPOS MABILAUKAN

TOKYO – Siyam na tao ang isinugod sa mga ospital sa kabisera matapos na mabulunan ng mochi rice cake noong Biyernes at Sabado. Ang isa sa mga biktima ay kinumpirma na namatay, ulat ng NHK (Enero 2).

Ayon sa Tokyo Fire Department, ang mga biktima ay kalalakihan at kababaihan na nasa edad 70 hanggang 93.

Dinala ng emergency services ang isang 90 taong gulang na lalaki sa isang ospital matapos itong mabulunan matapos kumain isang inihaw na mochi cake sa kanyang tirahan sa Lungsod ng Nishitokyo noong Biyernes. Di nagtagal ay idiniklara itong namatay, ayon pa sa departamento.

Noong Sabado, isang 78 taong gulang na lalaki ang nawalan ng malay matapos mabulunan sa sopas na naglalaman ng mochi sa kanyang tirahan sa Lungsod ng Tama.

PIYESTA OPISYAL NG BAGONG TAON

Karaniwang inihahanda ang mga mochi cake upang ipagdiwang ang piyesta opisyal sa Bagong Taon. Regular na pinaaalalahanan ng Fire Department ang mga mamamayan na hiwain ang mga cake sa mas maliit na mga piraso at nguyain nang mabuti bago ito lunukin.

Sa mga nagdaang taon, 90 porsyento ng mga biktima ay lampas sa edad na 65, dagdag pa ng departamento.

Iminumungkahi ng kagawaran na ang mga kakilala o miyembro ng pamilya ng mga choking victims ay hampasin ang mga ito sa likuran upang matanggal ang pagbara. Kung kinakailangan, dapat din itong mabigyan ng masahe sa puso sa lalong madaling panahon.

Source and Image: Tokyo Reporter

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund