TOKYO- Hinatulan ng kamatayan ng Japanese Court ang tinaguriang ” TWITTER KILLER” , na responsable sa pagpatay sa walong kababaihan na nag-post ng kanilang mga saloobin ng pagpapakamatay sa social media noong 2017, kasama ang kapatid na lalaki ng isa sa mga biktima.
Si Takahiro Shiraishi, 30, ay napatunayang nagkasala sa mataas na hukuman ng Tachikawa Branch ng Tokyo District Court sa high prrofile case ng pagpatay, pag-katay at pag-iimbak ng mga bangkay ng 9 na kababaihan sa kanyang apartment, malapit sa Tokyo.
Ang Presiding Judge na si Naokuni Yano ay nagpasiya na wala sa walong kababaihan ang pumayag na mamatay, at si Shiraishi ay
nasa tamang katinuan at dapat managot sa krimen.
Inilarawan ng hukom ang karumaldumal na krimen ,idinagdag pa na ang kaso ay nagbigay sa mga tao ng dahilan para pag-isipan kung gaano kalalim ang impluwensiya ng social media sa lipunan.
Kung pinahintulutan ng mga biktima ang pagpatay ni Shiraishi sa kanila ang pangunahing punto ng pagtatalo sa paglilitis sa korte ng hukom.
Siniguro ng mga tagausig na mapatawan ng Death Penalty si Shiraishi, dahil napatunayang siya ay nagkasala sa batas, ngunit ang mga defense lawyers ay ipinaglalaban na ang akusado ay dapat magkaroon ng mas mababang sintensiya ng Homicide sa kadahilanang nagbigay ng pahintulot ang mga biktima batay sa mga mensaheng ipinadala nila sa suspek.
Habang ipinagdidiinan ng mga tagausig na walang paraan ang mga biktima na pumayag na sila ay mapatay batay na rin sa sinumpaang salaysay ni Shiraishi na nanlalaban ang mga biktima habang ito ay kanyang sinasakal, ayon naman sa depensa, ito ay nangyari lamang dahil sa ” Conditional Reflexes ” ng mga biktima.
Dagdag pa ng depensa na si Shiraishi ay posibleng wala sa tamang pag-iisip o nasa estado ng limitadong kakayahang makapag-isip sa mga oras ng pagpatay.
Ngunit napagpasyahan ng mga tagausig na ang akusado ay maaaring managot sa krimen matapos siyang sumailalim sa limang buwan ng psychiatric tests bago ang kanyang indictment noong Setyembre 2018.
Ayon sa akusasyon, sinakal at kinatay ni Shiraishi ang walong kababaihan at isang lalaki na may edad 15 hanggang 26 mula sa Tokyo at apat na iba pang mga prepektura mula Agosto hanggang Oktubre ng 2017. Sinasabing hinalay din niya ang lahat ng kanyang mga biktimang babae. Ang lalaki naman ay kapatid ng isa sa mga biktima na hinahanap ang kanyang kapatid na babae.
Pinaniniwalaan na nangako si Shiraishi na kanyang tutulungan ang mga biktima na mamatay sa pamamagitan ng Twitter, gamit ang kanyang username na ang ibig sabihin ay “hangman” kung saan inaanyayahan sila sa kanyang apartment sa Zama, Prepektura ng Kanagawa, matapos nilang ipahayag ang mga saloobin ng pagpapatiwakal.
Ang serial killings ay unang nadiskubrehan noong Oktubre 2017 nang dumalaw ang mga opisyal ng kapulisan sa apartment ni Shiraishi, sa kanilang paghahanap sa isang nawawalang 23 taong gulang na babae sa Tokyo,
at doon diumano natagpuan ang ilang mga cooler na naglalaman ng iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga biktima.
Ayon kay Shiraishi na kahit na siya ay mapatawan ng parusang kamatayan, hindi siya mag-aapela.
Ang karumaldumal na krimen ay nakagulat sa marami sa Japan, na nagtulak sa Central Government at Social Networking Service Businesses na pagintingin ang suporta para sa mga kabataan na nangangailangan ng tulong.
Source and Image: Japan Today
Join the Conversation