Share
OSAKA – Ang Tower of the Sun sa Expo Memorial Park sa kanlurang Japan ay pinailawa ng pula sa kauna-unahang pagkakataon noong Disyembre 3 upang ipahiwatig ang state of emergency dahil sa pagdami ng Covid19 infection sa lungsod.
Ito ay upang ipahiwatig ang banta ng posibleng pag lala pa ng infections at upang mamulat ang lahat sa sitwasyon nang sa ganon ay maging mas maingat at vigilant ang mga tao upang makaiwas mahawaan.
Ang gobyerno ng Osaka ay nagpalabas ng isang kahilingan na ang lahat ng mga residente sa prefecture ay iwasan ang mga hindi mahalaga at hindi importanteng paglabas hanggang Disyembre 15 hangga’t sa maaari. Samantala, ang mga klase sa paaralan ay magpapatuloy na gaganapin nang regular.
Join the Conversation