Tokyo Island, kinikilala bilang ” Dark Sky Park”

Sinabi ni Maeda Hiroshi, Alkalde ng Kozushima Village, na patuloy niyang pagbubutihin at aayusin ang kapaligiran.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

&nbspTokyo Island, kinikilala bilang

Ang isang remote island sa Tokyo ay kinilala ng isang international organization bilang “International Dark Sky Park” dahil sa mabituin na kalangitan nito sa gabi.

Ang Kozushima ay isa sa mga Isla ng Izu. Matatagpuan ito 180 kilometro sa timog ng gitnang Tokyo. Ang non-profit International Dark Sky Association ay itinalaga ang Kozushima Village bilang isang “International Dark Sky Park.” Ang buong baryo ay halos 18 square kilometros ang laki.

Ang samahan ay itinatag ng mga astronomo at iba pa upang maprotektahan ang mga gabi mula sa light pollution.

Ang Kozushima ay naging pangalawang lokasyon sa Japan upang makuha ang status na iyon. Ang Iriomote-Ishigaki National Park sa Prepektura ng Okinawa ay nakatanggap ng pagtatalaga noong 2018.

Sinuri ng asosasyon ang mga hakbang na ilulunsad ng mga taga-nayon upang mapanatili ang kalangitan sa gabi ng isla. Inihayag din ng Village ang isang ordinansa na naglalayong limitahan ang pag-gamit ng mga sobrang liwanag na outdoor lights sa gabi. Sinasanay din dito ang mga mamayan na maglingkod bilang mga stargazing guides.

Sinabi ni Maeda Hiroshi, Alkalde ng Kozushima Village, na patuloy niyang pagbubutihin at aayusin ang kapaligiran, upang maraming turista ang masisiyahan sa mga Starry Sky Tours sa isla.

Source and Image: NHK World Japan

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund