Ang Punong Ministro ng Japan na si Suga Yoshihide ay nahaharap sa matinding kritisismo dahil diumano sa isang salo-salo na dinaluhan ng higit sa limang katao sa kabila ng panawagan ng gobyerno na iwasan ang mga naturang pagtitipon sa gitna ng pandemya.
Pinuna ng oposisyon si Suga dahil sa isang kainan na naganap sa isang steak house sa Tokyo na dinaluhan ng mga opisyal ng Liberal Democratic Party na sina Nikai Toshihiro at Hayashi Motoo at ilan pang sikat na personalidad.
Sa press conference na ginanap noong Miyerkules, binigyang diin ni Chief Cabinet Secretary Kato Katsunobu ang kahalagahan ng pagpupulong kasama ang mga tao mula sa iba`t ibang larangan upang pakinggan ang kanilang mga opinyon, maliwanag nitong pagtatanggol kay Suga.
Sinabi pa ni Kato na ang pagpasyang pagdalo sa mga naturang pagtitipon ay dapat isaalang-alang sa bawat kaso, at isaisip ang layunin ng paggawa nito at ang pangangailangan na maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.
Idinagdag din ni Kato na ang isang panel ng gobyerno sa coronavirus ay hindi partikular na ipinagbabawal ang pag-iwas sa lahat ng miyembro ng partido o sa higit pa sa limang katao.
Tinanong si Suga ng mga reporter noong Miyerkules ng gabi kung naaangkop ang nasabing pagtitipon. Ipinahayag niya na kahit na pinanatili niya at ng iba pang mga dumalo ang sapat na distansya sa sa isa’t isa , sineryoso niya ang bagay na ito, sa likod ng malaking posibilidad na hindi ito lubusang maiintindihan ng publiko.
Source and Image: NHK World Japan
Join the Conversation